Ex-solon pumalag sa Facebook post
MANILA, Philippines — Dahilan sa pagpo-post sa Facebook tungkol sa nililitis na kaso, pinako-contempt ng isang dating kongresista at dalawang iba pa sa Sandiganbayan ang naghain ng demanda laban sa kanila.
Inihain nina dating Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona, Geishler Fadri at Oscar Galos ang Petition for Indirect Contempt laban kay Lyndon Molino.
Sa reklamo nina Madrona, nag-post umano si Molino sa Facebook page na Romblon Community noong Pebrero 20 at ikinumpra ang kaso niya sa kaso ni dating Sorsogon Gov. Raul Lee na nahatulan ng guilty sa kasong graft kaugnay ng fertilizer Fund Scam.
Sa nasabing FB post umano ni Lydon ay nakasaad na “Parehong supplier (Feshans Phils), parehong brand (Bio-Nature), parehong presyo (P1,500 per bottle), at pareho ring diskarte (walang competitive bidding) ang nangyari sa Romblon na nauwi sa kasong People of the Philippines vs. Eleandro Madrona et.al. (SB-17-CRM-1490) na dinidinig ngayon sa Sandiganbayan 6th Division. Looking forward to take the witness stand on February 28.”
Subalit ang hindi umano sinabi ni Molino sa kanyang post, si Lee ay hinatulan nang hindi nakakapagpresinta ng ebidensya. Hindi pa rin umano pinal ang desisyon na maaari pang iakyat sa Korte Suprema.
- Latest