^

Metro

P.7-M pekeng yosi nasabat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 1 ang nasa 14,500 packs ng pekeng siga­rilyo na tinatayang nasa P725,000 ang halaga na ipinapakalat sa mga tindahan at pamilihan sa Tondo, Maynila.

Kabilang sa nasamsam ng mga tauhan ni Lt. Colonel Reynaldo Magdaluyo ang mga pekeng brand ng Marvels, Jackpot at Mighty cigarettes na sakay sa isang L300 van na nakaparada sa Capulong St., Tondo alas-10:30 ng gabi nitong Marso 26 (Martes).

 Itinuro ng impormante ang nasabing van at  matapos ang inspeksyon ay tu­mambad ang 29 na  malalaking kahon na naglalaman ng nasabing sigarilyo.

Nang beripikahin, kinumpirma ng kinatawan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na peke din ang nakalagay na BIR stamps sa mga ito.

Dinakip naman ang driver na si  Julito Octing at ang pahinanteng si Anthony Pano.

Pormal na naghain naman ng reklamo ang mga kinatawan ng lehitimong kumpanya ng  Philip Morris Fortune Tobacco Corporation at Japan Tobacco International na apektado sa ginawang pamemeke ng kanilang produkto na paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Pro­perty Code of the Philippines (in relation to) Unfair  Competition and Trademark Infringement.

Modus umano ng sindikato ang magdala sa kanilang kargamento ng iba pang uri ng produkto upang pagtakpan ang mga isinusuplay na mga pekeng sigarilyo.

Naniniwala ang mga awtoridad na marami pang galamay at mga sasak­yang gamit ang sindikato na kanilang inaalam kung saan ang bodega.

Bukod sa mala­king b­ayad sa buwis ang nawawala sa gobyerno, mas delikadong gamitin ang counterfeit na sigarilyo dahil hindi nakatitiyak ang consumer sa kung anong sangkap nito.

FAKE CIGARETTES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with