^

Metro

Lolo natusta sa sunog

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halos hindi na makilala ang bangkay ng isang 80-anyos na lolo matapos itong  ma-trap sa sunog, kahapon ng hapon sa Makati City.

Ang biktima na halos hindi makilala matapos matusta nang buhay ay si Benedico Medina, residente ng Taylo St.., Brgy. Pio Del Pilar ng nasabing lungsod.

Nasugatan naman ang isang Pasay fire volunteer na kinilala sa pangalang Ryan Turing matapos mahirapan sa paghinga nang biglang nagbago ang direksiyon ng hangin papunta sa mga bumbero.

Sa report ng Makati City Fire Department, nagsimula ang sunog  alas-12:22 kahapon ng hapon sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya Mercado-Medina sa  nabaggit na lugar.

Dahil sa malakas ang hangin, mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang apat na katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Tinangka naman ng mga boarders na sagipin ang biktima, subalit naka-double lock umano ang pinto ng kuwarto nito.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naapula ito bandang ala-1:41 ng hapon.

Aabot sa P200, 000 halaga ng mga ari-arian ang napinsala at inaalam pa ang sanhi ng sunog.

vuukle comment

MAKATI CITY FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with