^

Metro

Ang Probinsyano Partylist, kabado sa rice smuggling

Pilipino Star Ngayon
Ang Probinsyano Partylist, kabado sa rice smuggling
Tinatayang bababa ang presyo ng bigas mula P2 hanggang P7 kada kilo bunsod ng batas.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Nangangamba ang Ang Probin­sya­no Party-List (AP-PL) sa pag-apruba ng Republic Act 11203 o ang rice tariffication act dahil lalong liliit ang kita ng mga magsasaka at lalakas pa ang rice smuggling sa bansa.

Ayon sa Ang Probinsyano, dapat mabigyan ng sapat na ayuda ang mga magsasaka upang masigurong kayang makipagsabayan sa mga produktong iaangkat mula sa ibang bansa.

Tinatayang bababa ang presyo ng bigas mula P2 hanggang P7 kada kilo bunsod ng batas.

 “Kinakailangang ding paigtingin ang operasyon laban sa smuggling ng bigas upang mas maprotektahan natin ang mga magsasaka at mamimili. Dapat na mas maging mahigpit ang seguridad sa ating mga ports of entry sa buong bansa.” sabi pa ni Ronnie Ong na nominee ng Ang Probinsyano.

Naniniwala si Ong na kailangang makinabang ang mga consumers sa murang bigas subalit dapat ding tiyakin ang proteksiyon ng mga magsasaka.

Ayon kay Ong, kung maihalal, si­si­­gu­raduhin at gagawing prayoridad ng AP-PL sa Kongreso ang tamang paggamit ng Rice Competitiveness En­hancement Fund para sa mga magsasaka.  

RICE SMUGGLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with