^

Metro

Middleman sa P6.4-B shabu shipment, naghain ng ‘not guilty plea’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Middleman sa P6.4-B shabu shipment, naghain ng ‘not guilty plea’
Sinasabing si Dong ang middleman ng negosyanteng si Richard Tan, may ari ng Hog Fei Logistics warehouse sa Valenzuela City kung saan natagpuan ang mga kargamento.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Naghain ng not guilty plea sa Manila Regional  Trial  Court ang  sinasabing middleman  na si Kenneth Dong sa P6.4-billion shabu shipment mula sa China.

Guwardiyado ng mga tauhan ng  Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)  si Dong nang  dumating sa  sala ni  Manila RTC Branch 46 Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa.

Sinasabing si Dong  ang  middleman ng  negosyanteng si Richard Tan, may ari ng Hog Fei Logistics warehouse sa Valenzuela City kung saan natagpuan ang  mga  kargamento. Kahapon ay sinimulan na ng  korte ang pagdinig sa kasong illegal drug importation kasama sina Mark Taguba  na fixer sa  Bureau of Customs, Anoche Dee at Eirene Mae Tatad na consignee ng nasabing shipment.

Pebrero 3 nang madakip ng mga  tauhan ng National Bureau of Investigation-Anti-Organized Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) sa Katarungan Village, Muntinlupa City matapos ang matagal na pagtatago.

Paliwanag ni Dong, wala siyang anumang pananagutan dahil nagsilbi lamang siyang translator at referal ng mga kliyente. Hindi  umano siya nakikialam sa shipment.

Samantala,sinabi naman ni Atty. Raymond Fortun, legal counsel ni Taguba na  hinihintay nila ang  desisyon ng  korte para sa petition for bail nina Taguba at Tatad.

KENNETH DONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with