^

Metro

Sunog sa Pasay: 9 magkamag-anak, natusta

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa Pasay: 9 magkamag-anak, natusta
Kabilang sa nasawi sina Michael, 44; mga anak na sina Mark Joseph, 23; John Clark, 17 at Andrew James, 11-anyos. Nakaligtas naman ang ina ng tahanan na si Jasmine Gua­blas Calma matapos itong tumalon sa bintana.

MANILA, Philippines — Siyam na magkaka-mag-anak ang nalitson nang buhay matapos ma-trap sa nasunog na dalawang palapag nilang bahay na hinihinalang dahil sa naiwang nakasaksak na computer sa Pasay City,  kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa nasawi sina Michael, 44; mga anak na sina Mark Joseph, 23; John Clark, 17 at Andrew James, 11-anyos. Nakaligtas naman ang ina ng tahanan na si Jasmine  Gua­blas Calma matapos itong tumalon sa bintana.

Nasawi rin sa insidente ang kapatid ni Jasmine na si Julius Guablas, 39; misis nitong si Rheadela, 40; at mga anak na sina Jhulea, 16, Nichole 9; Andrei James, 3-anyos na pa­­wang nakatira sa unang palapag ng bahay.

Ayon sa inisyal report na natanggap ni Sr. Supt. Noel Flores, hepe ng Pa­say City Police, naganap ang sunog alas-2:00 ng  madaling araw sa 336 Almazor St., Brgy. 185, Mari­caban ng nabanggit na lungsod.

Kwento ni Jasmine, nagising siya dahil sa amoy usok, na inakala nito na may nagsisiga lamang sa labas, ngunit nang tingnan niya sa ibaba ng bahay, napansin niyang malakas na ang apoy at  usok.

Sabi ni Jasmine, kaagad niyang ginising ang mister na si Michael, na nakaligtas pa sana, ngunit binalikan nito ang kanilang mga anak, kung kaya’t na-trap na din ang mga ito at hindi na na­ka­labas sa nagliliyab nilang bahay.

Dahil makipot ang   daan, nahirapan ang mga bumbero na makapasok sa lugar.

Mabilis na kumalat ang apoy  kung kaya’t hindi na nagawang maisalba ang mga biktima at dito na nga  natagpuan ang  kanilang mga sunog na  bangkay.

Sa assessment ng Pa-say City Bureau of Fire Protection (BFP), tatlong sunog na bangkay ang natagpuan sa comfort room, dalawa sa 2nd floor, isa sa kusina, isa  sa kuwarto at dalawa sa ibaba palabas ng bahay.

Umabot lamang sa  unang alarma ang sunog at alas-3:14 ng madaling araw nang ideklara itong under control.

Tinatayang aabot sa P50,000 ang halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog.

Umapela rin si Jasmine ng tulong para maayos na maipalibing ang kanyang mga mahal sa buhay.

Patuloy pa ring inaalam ang tunay na naging sanhi ng sunog.

PASAY CITY FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with