^

Metro

MPD Precinct Commander, inireklamo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Albayalde ang  isang commander ng Manila Police District (MPD) na inireklamo ng tatlong pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na pinalo nito ng manipis na bakal sa mga daliri dahilan sa hindi umano pagsunod sa kautusan sa kasagsa­gan ng Traslacion ng Itim Na Nazareno.

Kinilala ni Albayalde ang inireklamong opisyal na si Chief Inspector Alden Panganiban, Deputy Commander ng Gandara Police Precinct ng MPD na nakabase sa Binondo sa lung-sod ng Manila.

“That is being investigated, ‘yung sinasabi nila because initially ang sabi meron siyang inutos na dapat nandun sila during the Traslacion at hindi yata sumunod,” anang opisyal na sinabing napikon si Pa-nganiban sa pagsuway ng  3 NCRPO cops sa ka­niyang kautusan.  

 “We have to check on that kung ano talaga ang ginawa because nung nagpa-medical sila, meron silang pasa sa mga daliri nila,” ani Albayalde.

Sa pahayag ng nasa-bing mga pulis, dinala sila ni Panganiban sa Escolta Street, Binondo saka pinalo ng manipis na bakal sa daliri. 

Nabatid na maging ang iba pang pulis na kasamahan ng mga biktima sa NCRPO ay magsasam­pa rin ng kaso laban kay Panga­niban.

Sa kabila nito, sinabi ni Albayalde na maging ang mga sinaktang pulis ay isasalang rin sa imbestigasyon sa kasong insu-bordination o pagsuway sa isang legal na order.

ALDEN PANGANIBAN

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with