^

Metro

Murder case vs 2 Kano, malakas -- Mandaluyong PNP

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Murder case vs 2 Kano, malakas -- Mandaluyong PNP
Ayon kay P/Senior Supt. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong police, kumpleto sila ng ebidensiya, testigo at CCTV footages na nagpapatunay para madiin sa kasong murder ang dalawang suspek na sina Troy Woody Jr., 21 at kaibigan nitong si Mir Islam, 22.

MANILA, Philippines — Naniniwala ang pamunuan ng Mandaluyong City Police na malakas ang isinampa  nilang kasong murder laban sa dalawang Amerikano na natukoy nilang pumatay sa kanilang kababayang babae  sa loob ng condominium unit sa Mandaluyong City noong Sabado.

Ayon kay  P/Senior Supt. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong police, kumpleto sila ng ebidensiya, testigo at CCTV footages na nagpapatunay para madiin sa kasong murder ang dalawang suspek na sina Troy Woody Jr., 21 at kaibigan nitong si Mir Islam, 22.

Sinabi ni Villaceran, lumitaw sa kanilang imbestigas-yon na pinatay ng dalawang Amerikano ang biktimang si Tomi Michelle Masters, 23, sa pamamagitan ng ‘suffocation’.

“Walang visible sign ng injury sa katawan ang biktima, dalawa lang yan, isinupot o kaya’y tinakpan ng unan ang kanyang ulo,” ani Villaceran.

Hinihintay na lamang ng pulisya ang magiging resolution ng Mandaluyong prosecutor’s office sa kaso laban sa dalawang suspek na ngayon ay nananatili pang nakakulong sa Madaluyong detention cell.

Nabatid din na ang motibo ng krimen ay pagkakaroon ng matinding away ng biktimang si Tomi at boyfriend nitong si Troy .

Nagpahayag din ng paniniwala si Villaceran na si Troy lamang ang pumatay sa kanyang girlfriend at nagpatulong lamang ito kay Mir para isakay sa Grab-taxi at itapon ang bangkay ng biktima sa Pasig River sa Baseco, Tondo Maynila.

Nagduda ang driver ng Grab-taxi na sinakyan ng dalawang suspek kaya nagsumbong ito sa Manila Police District at agad na nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta para madakip ang mga ito.

vuukle comment

CRIME

MANDALUYONG CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with