^

Metro

Ilang kalsada sa Pasay at Parañaque, isasara sa Linggo

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Ilang kalsada sa Pasay at Parañaque, isasara sa Linggo
Ayon sa MMDA, simu­la ala-1:00 ng hapon ng Disyembre 23 ay isasara sa mga motorista ang Dr. Arcadio Santos Avenue hanggang Santa Rita Avenue sa Parañaque City.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Isasara ang ilang bahagi ng mga kalsada sa Pasay at Parañaque sa darating na Disyembre 23 upang bigyan daan ang parada ng Metro Manila Film Festival’s (MMFF). 

Ayon sa MMDA, simu­la ala-1:00 ng hapon ng Disyembre 23 ay isasara sa mga motorista ang Dr. Arcadio Santos Avenue  hanggang Santa Rita Avenue sa Parañaque City.

Nabatid na ang walong  floats na sasakyan ng mga artista na kasali sa MMFF ay dadaan sa Shopwise-Sucat Road, kaliwa ng Medina Ave­nue, kanan ng Quirino Ave­nue, kaliwa ng eastbound lane ng MIA Road, kanan ng Macapagal Boulevard at kaliwa ng Bradco Avenue.

Ang mga behikulong ga­ling ng Baclaran ay maaa­ring dumaan sa westbound lane ng Dr. Arcadio Santos Avenue. Mula South Superhighway hanggang Santa Rita Avenue, kaliwa ng Carlos P. Garcia Avenue Extension, U-turn ng C5 Bridge, kaliwa Multinational Avenue, kanan ng Ninoy Aquino Avenue, kaliwa ng MIA Road, kanan ng Domestic Road, kaliwa ng  Airport Road at kanan ng  Quirino Avenue. 

Kung saan ang lungsod ng Parañaque City ang magho-host ng parada ng mga artista kasabay ng ika-20 taong ani­bersaryo  ng siyudad.

Ang parangal para sa MMFF ay gaganapin ng Dis­yembre 27 sa Solaire Hotel.

Panawagan ng MMDA sa mga motorista na sa nabanggit na petsa ay iwasan ang nabanggit na mga lugar.

METRO MANILA FILM FESTIVAL’S

ROAD CLOSED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with