^

Metro

Lola binaril ng pamangkin, sugatan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang babaeng senior citizen ang sugatan matapos barilin ng kanyang lalaking pamangkin dahil sa paghihiganti matapos umano itong kasuhan ng biktima kamakalawa, sa Pasay City.

 

Sanhi ng tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Hilda Tengco-Lanuza, 61-anyos, nakatira sa #89 C. Jose St., Brgy. 166, Malibay ng nabanggit na lungsod.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya laban sa suspek na si Juancho Tengco, 35, nakatira sa #331 Arnaiz St., ng naturang siyudad.

Lumalabas sa report na natanggap ng hepe ng Pasay City Police na si Sr. Supt. Noel Flores, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa #89 C. Jose St., Brgy. 166, Malibay ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa 15-anyos na apong babae ng biktima, habang nagluluto ang kanyang lola sa kanilang garahe ay dumating ang kanyang tiyu­hing si Juancho at nakipagtalo muna ito sa biktima.

Sa kasagsagan ng pagtatalo ay pinutukan ng suspek ang tiyahing si Lanuza at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Ang biktima naman ay mabilis na isinugod sa nabanggit na ospital ng kanyang mga kaanak.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, paghihiganti ang nakikita nilang motibo ng pamamaril ng suspek dahil kinasuhan pala ito ng biktima.

vuukle comment

BINARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with