^

Metro

Truck vs tricycle: 15-anyos utas, 2 kritikal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dedo ang isang estudyanteng binatilyo habang dalawa pa ang nasugatan  nang maatrasan at mabangga ang sinasakyang tricycle ng trak sa Port Area, Maynila, iniulat kahapon.

Bigong maisalba sa Jose  Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Patricio Magno, 15, ng Block 9, Tambacan, Port Area, Maynila habang ang kapwa estudyante nitong   si Mabel Gosado, 17, gayundin ang tricycle driver na si Salvador Lopez, 37,  ay kapwa nasa malubhang kalagayan sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC).

Pinipigil na sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang suspek na driver ng truck na si Iracleo Romeo, 50, ng Brgy. 649, Baseco, Port Area, kung saan inihahanda laban dito ang  reckless imprudence resulting in homicide at multiple injuries .

Sa ulat ni PO3 Gerald Gonzales ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS), nangyari ang insidente dakong alas -7:00 ng gabi  sa 2nd Street, panulukan ng Bonifacio Drive, sa  Baseco.

Magkasunod na bumabaybay sa nasabing kalye ang trailer truck at ang tricycle nang magmaniobra umano ang una at sa pag-atras ay nabangga ang nakabuntot na tricycle.

Sumaklolo naman ang mga saksi at isinugod ang mga biktima sa magkahiwalay na pagamutan.

vuukle comment

KRITIKAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with