^

Metro

Road closure, re-routing sa pagdating ni President Xi

Doris Franche, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Road closure, re-routing  sa pagdating ni President Xi
Ayon sa advisory, dakong alas-6 ng umaga ngayon, Nobyembre 20 ay sarado na ang north at southbound lane ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Naglabas na ng traffic advisory ang Manila Traffic Enforcement Unit (MTEU) kaugnay sa state visit ni Chinese President Xi Jinping ngayon.

Ayon sa advisory, dakong alas-6 ng umaga ngayon, Nobyembre 20 ay sarado na ang north at southbound lane ng Roxas Blvd. mula  Katigbak Drive hanggang P. Ocampo.

Sarado rin ang north at southbound lane ng Bonifacio Drive mula Anda Circle  hanggang  Katigbak Drive at east at westbound lane ng  P. Burgos mula Lagusnilad hanggang Roxas Blvd.

Isasara rin sa mga moto­rista ang East at westbound lane ng Finance Rd. mula  Taft Ave. hanggang P. Burgos.

Gayundin ang east at westbound lane ng  Kalaw  mula  MH del Pilar hanggang Roxas Blvd., at east at westbound lane ng  Pres. Quirino Ave. mula  MH del Pilar hanggang Roxas Blvd.

Maaari namang bumagtas ang lahat ng behikulo  mula northern part ng Manila  na nais dumaan sa Roxas Blvd. southbound lane sa A. Soriano, diretso sa Magallanes Drive kanan sa P. Burgos diretso sa  Lagusnilad (Taft Ave­nue) hanggang sa kanilang destinasyon.

Lahat naman ng sasakyan mula sa FB  Harrison ay dapat kumanan sa P. Ocampo o dumiretso sa Mabini hanggang marating ang kanilang patutunguhan.

Lahat naman ng sasakyan mula sa tatlong (3) tulay gaya ng Jones, Mc Arthur at Quezon bridge patungong Roxas Blvd  via P. Burgos ay kailangang dumiretso sa Taft Avenue hanggang sa kanilang destinasyon.

Diretso sa Raxabago, Capulong hanggang sa kanilang pupuntahan.

Simula naman alas-3:15  ng hapon ngayon ay lock down na ang buong Luneta para sa wreath laying ce­remony sa Rizal Park.

Samantala, sinuspinde na rin ng Korte Suprema ang pasok  sa lahat ng korte sa Maynila ngayon kasunod ng suspensiyon ng klase ni Manila Mayor Joseph Estrada.

MANILA TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

XI JINPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with