^

Metro

Tanggal prangkisa ibinabala ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tanggal prangkisa ibinabala ng LTFRB
Dumagsa sa tanggapan ng LTFRB sa Quezon City ang mga franchise holder para makakuha ng fare matrix kaugnay sa naaprubahang taas pasahe sa jeepney at bus. May babala ang LTFRB na hindi kasi silang maaaring maningil sa taas pasahe kung walang bagong fare matrix.
(Kuha ni Boy Santos)

Sa magtataas singil ng pasahe nang walang fare matrix

MANILA, Philippines — Binalaan ng Land Trans­portation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng driver ng pampasaherong jeep at bus na tatanggalan ng prangkisa ang pinapasada nilang sasakyan sa oras na mapatunayan na nagtaas ng pasahe ng walang updated fare matrix mula sa ahensiya.

Ayon kay  LTFRB exe-cutive director Samuel Jardin, bukas na ang ahensiya ngayon upang mag-isyu ng fare matrix para sa bus at jeep.

Anya, illegal ang ope-rasyon ng passenger bus at jeep na nangongolekta ng taas pasahe ng walang fare matrix kaya’t ang mga sumusuway sa direktiba ng LTFRB ay parurusahan.

Pagmumultahin ng  P5,000 ang mga pasaway na driver sa unang offense, P10,000 sa ikalawang offense at P15,000 sa ikatlong paglabag at tanggal prangkisa.

“We will start giving the matrix today because we have to await the 15-day period for the effectivity of the decision,” pahayag ni Jardin.

Oras na makapaglagay ng bagong fare matrix, ang lahat ng pampasaherong jeep sa Metro Manila, Region 3 at 4 ay maaari nang maningil ng P10 minimum pasahe.

Dagdag P1 naman ang singil sa pasahe sa mga pam­pasaherong bus sa Metro Manila at provincial buses.

FARE MATRIX

LAND TRANS­PORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with