Pagpapadiskuwalipika pinalagan ng utol ni Sharon Cuneta
MANILA, Philippines — Sumugod kahapon ang kapatid ni Mega Star Sha-ron Cuneta na si Chet Cuneta sa tanggapan ng Commission on Election (COMELEC) District 1 office matapos lumutang ang isang nagrereklamo na hindi umano siya kwalipikadong tumakbong alkalde sa Pasay City.
Ayon kay Chet, maaari aniya na isang taong pakawala ng kanyang makakalaban sa pagka-mayor ang posibleng kumukuwestiyon sa kanyang residency at validity ng kanyang paghain ng certificate of candidacy (COC) upang tumakbo bilang mayor ng Pasay.
Kasamang napasugod ni Cuneta ang kanyang runningmate na si Richard Advincula sa Pasay City COMELEC office para alamin ang naturang isyu hinggil sa reklamo sa kandidatura ni Cuneta.
Napag-alaman na dalawang election umanong hindi nakakaboto si Chet Cuneta dahil sa trabaho nito bilang piloto pero nilinaw nito na pina-activate na nila ang kanyang registration sa COMELEC sa Pasay City.
- Latest