^

Metro

Holdaper con pusher, bulagta sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang sinasabing notor­yus na holdaper at ‘tulak’ din  umano ng ilegal na droga ang nasawi makaraang manlaban sa mga awtoridad sa ikinasang buy- bust operation sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawing suspect na si Cesar Arive Jr., alyas Lupin, ng San Martin Dulo, Villareal St.,  Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Si Lupin ay napatay ng mga tauhan ng Special Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4 dakong alas-4:50 ng madaling araw.

Ayon kay P/Senior Insp. Dennis  Francisco, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil pagtutulak ng droga ng suspek at pagiging talamak umanong holdper kaya agad na nagkasa ng buy- bust operation.

Sa kasagsagan ng ope­ration ay nakahalata umano ang suspek na pulis ang kanyang ka-transaksiyon kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang pulis at dahil nakasuot ng bullet proof ay hindi hindi tinablan kaya gumanti ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng una.

Nakuha sa suspek ang isang slingbag na naglalaman ng shabu at marijuana na nakalagay sa plastic sachet. Nakuha rin ang isang kalibre 38 na ginamit nito para paputukan ang pulis. 

Ayon kay Station 4 Commander Supt. Rossel Cejas, nasa drug watchlist ng Brgy. Gulod at notorius na robbery snatcher si Lupin sa area ng Novaliches. 

vuukle comment

ILEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with