Estrada vs Zamora sa San Juan
MANILA, Philippines — Maglalaban sina San Juan City Vice Mayor Janella Estrada at dating San Juan Vice Mayor Francis Zamora sa nalalapit na 2019 mayoral post sa lungsod.
Si Janella ay anak ni dating Senator Jinggoy Estrada, at siyang iniendorso ni outgoing San Juan Mayor Guia Gomez, upang pumalit sa kanyang pwesto, ay nakatakdang maghain ng kanyang kandidatura sa Martes, Oktubre 16.
Si Francis ay anak naman ni Cong. Ronaldo Zamora, ay nakatakda namang maghain ng kanyang kandidatura sa huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Miyerkules, Oktubre 17.
Matatandaang ang mga Estrada at mga Zamora ay dating magkaalyado sa pulitika subalit naglaban noong huling termino ni Mayor Guia Gomez.
Humiwalay ang mga Zamora sa mga Estrada kasunod ng akusasyong nais ng mga ito na magtayo ng political dynasty sa San Juan, na matagal na panahon nang pinamumunuan ng mga ito.
- Latest