^

Metro

Runner ng ‘Ninja cop’, timbog sa P4-M shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Runner ng �Ninja cop�, timbog sa P4-M shabu
Ipinakita nina NCRPO chief Director Guillermo Eleazar at MPD district director Rolando Anduyan ang nasamsam na 600 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P4 milyon sa suspect na si Amelita Sabino sinasabing runner ng isang nakakulong nang ‘Ninja cop’.
(Kuha ni Joven Cagande)

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babaeng drug courier o runner ng isang ‘Ninja cop’ nang magbenta ng tinatayang P4,420,000.00 halaga ng shabu sa isang poseur-buyer sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 4, ang suspek ay kinilalang si Amelita Sabino, na natukoy na drug courier nang nakapiit ng si P02 Jolly Lapuz Aliangan, dating nakatalaga sa  Regional Anti-Illegal Drugs ng National Capital Region Police Office matapos arestuhin ng National Bureau of Investigation (NBI) noong May 26, 2016 sa paglabag sa Comprehensive Dange-rous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165.

Ayon kay Senior Inspector Joselito Delos Reyes, dakong alas-6:30 ng gabi nitong Martes (Setyembre 11) nang maganap ang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Regional Drug Enforcement Unit ng NCRPO, MPD-Station 4 at Philippine Drug Enforcement Agency sa loob ng compound sa Palawan St., Sampaloc, Maynila.

Nang maibigay na ang shabu ay tinanggap umano ni Sabino ang walong bundle ng boodle money na naging hudyat para siya arestuhin.

Pitong malalaking sachet ng shabu na tumitimbang ng 659 gramo ang nasamsam mula kay Sabino.

Nabatid na ang amo ni Sabino na si PO2 Aliangan ay nakuhanan ng NBI ng mahigit P6 milyong halaga ng shabu, at 6  na sasakyan.

Tinutugis pa ang isang alyas Diane  na anak umano ni Aliangan at hinihinalang nagbabagsak naman kay Sabino ng iligal na droga. Hinihinalang ang nakakulong na ama pa rin nito ang nagmamando para sa pagsusuplay ng shabu sa Metro Manila at Calabarzon. 

vuukle comment

NINJA COP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with