^

Metro

Illegal vendors, trapik sunod na target sa Maynila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Illegal vendors, trapik  sunod na target sa Maynila
Sa mensahe ni Estrada matapos maging 2nd placer ang Manila sa Over-all Most Competetive Highy Urbanized City, binati ng alkalde ang kanyang mga department heads kasunod ng direktibang mas maging agresibo pa sa paglilingkod sa mga residente ng Maynila.

MANILA, Philippines — Hindi lamang ang basura ang target na solusyunan ni  Manila Mayor Joseph Estrada kundi pati ang problema sa illegal vendors at buhul-buhol na trapiko sa lungsod.

Sa mensahe ni Estrada matapos maging 2nd placer ang Manila sa Over-all Most Competetive Highy Urbanized City, binati ng alkalde ang kanyang mga department heads kasunod ng direktibang mas maging agresibo pa sa paglilingkod sa mga residente ng Maynila.

Bagama’t naging 1st placer na ang Maynila sa pagiging most competetive sa buong bansa noong 2016, sinabi ng alkalde na hindi pa rin dapat mag-relax ang mga department heads.

Kaugnay nito, inatasan ni Mayor Erap si Manila Traffic and Parking Bureau Chief Dennis Alcoreza na palakasin ang kampanya laban sa mga illegal parking, illegal terminals at mga kolorum sa lungsod.

Pinatututukan din ni Estrada ang mga illegal vendors na madalas maging sanhi ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa iba’t- ibang parte ng Maynila.

Nauna nang binalaan ng  alkalde ang garbage contractor na IPM Construction and Development Corporation na kakanselahin nito ang kontrata kapag naulit ang kapalpakan nito sa paghahakot ng basura.

ILLEGAL VENDORS

JOSEPH ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with