^

Metro

Konseho ng Maynila nagkaroon ng ‘kudeta’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Konseho ng Maynila nagkaroon ng âkudetaâ
Ikinagulat ng lahat nang ideklara ni 3rd District Councilor Manuel ‘Letlet’ Zarcal na bakante ang posisyon ng Majority Floor Leader at isinagawa ang botohan. Idineklarang bagong Majority Floor Leader si Valeriano.

MANILA, Philippines — Bahagyang nagkatensiyon kahapon sa Konseho ng Maynila matapos na “makudeta” si Majority Floor Leader at 5th District Councilor Casimiro Sison at mapalitan sa puwesto ni 2nd District Councilor Rolan Valeriano.

Ikinagulat ng lahat nang ideklara ni 3rd District  Councilor  Manuel ‘Letlet’ Zarcal  na bakante ang posisyon ng  Majority Floor Leader at isinagawa ang  botohan. Idineklarang bagong  Majority Floor Leader si Valeriano.

Tinangka ni Sison na umapela subalit hindi ito nagtagum-pay lalo pa’t sunud-sunod  ang  hindi nito  pagsang-ayon sa mga ibinoboto. Bunga nito makailang ulit ding nag-recess ang konseho.

Itinalaga namang  Assistant Majority  Floor  si Edward Tan ng 2nd District habang 2nd Assistant Majority  Floor Leader naman si 3rd District Councilor Grace Chua.

Wala namang kumontra nang iboto para maging Pro Tempore si 3rd District Councilor  Asuncion ‘Re’ Fugoso. Dahil sa patuloy na pag apela ni  Sison, hindi muna nagbotohan para sa Minority Floor Leader. 

Ayon kay Presiding Office at Manila Vice Mayor Honey Lacuna, idineklarang bakante ang lahat ng  komite.  Ang  Committee Chairmanship ay tatalakayin sa Lunes.

MANILA COUNCIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with