^

Metro

Celebrity doc Joel Mendez, tiklo sa rape

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Celebrity doc Joel Mendez,  tiklo sa rape
Dr. Joel Mendez

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad ang isang sikat na celebrity doctor na wanted sa kasong 2 counts ng rape sa isinagawang operasyon sa basement parking area ng isang condominium unit sa Mandaluyong City nitong Biyernes.

Kinilala ni Mandaluyong City Chief of Police P/Sr. Supt. Moises Villaceran Jr., ang nasakoteng suspect na si Dr. Joel Mendez.

Bandang alas-11:30 ng tanghali, ayon kay Villaceran nang arestuhin si Mendez ng mga intelligence units, Tactical Motorcycle Riders ng Womens and Children Protection Desk at Mobile Patrol Unit ng Mandaluyong City Police sa basement parking area ng BSA Twin Tower ng Mandaluyong City kaugnay ng kasong 2 counts of rape na isinampa laban dito may apat na taon na ang nakalilipas.

Inihayag ng opisyal na nasakote si Mendez matapos ang ilang buwang surveillance operation laban sa celebrity doctor kaugnay ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Imelda Portes-Saulog ng Regional Trial Court  (RTC) Branch 214 sa kasong 2 counts ng rape.

Nabatid pa na matapos na masampahan ng kaso ng kaniyang biktima ay nagtago na sa batas si Mendez hanggang sa maispatan ito ng tips­ter ng pulisya na nagresulta sa kaniyang pagkakaaresto.

Hindi na nakapalag si Mendez matapos na mabulaga sa mga operatiba kung saan agad itong isinailalim   sa kustodya ng pulisya.

Sa pinakahuling update, nabatid na pinalaya na kagabi  si Mendez matapos itong maglagak ng piyansa na tig- P120,000 sa bawat isang kaso o kabuuang P360,000.   

vuukle comment

CELEBRITY DOCTOR

JOEL MENDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with