^

Metro

Disiplina pairalin ngayong tag-ulan – Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Disiplina pairalin ngayong tag-ulan â Erap
Ang pahayag ni Estrada ay bunsod na rin sa pangambang paglubog ng ilang kalsada sa lungsod dahil sa sunud-sunod na pagbuhos ng malakas na ulan.
Edd Gumban

Sa pagtatapon ng basura

MANILA, Philippines — Ngayong nagsimula na ang tag-ulan,  umapela si Mani­la City Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga Manilenyo na pairalin ang disiplina sa pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbabaha sa ilang lugar sa lungsod.

Ang  pahayag ni Estrada ay bunsod na rin sa pangambang paglubog ng ilang kalsada sa lungsod dahil sa sunud-sunod na pagbuhos ng malakas na ulan.  

 Ayon kay Estrada, hindi maikakaila na ang basura ang pangunahing dahilan ng pagbabara ng mga estero, kanal o anumang daluyan ng tubig sanhi ng pagbaha. Aniya, may oras naman ang daan ng mga trak ng basura na dapat na sundin upang hindi kumalat sa kalsada ang mga basura at anurin ng tubig dahil sa lakas ng  ulan. Kadalasan aniya na ang mga maruruming tubig ay sumasama sa supply ng tubig sa mga kabahayan na maaari pang magdulot ng sakit.

Dahil dito, pinag-iingat ni Estrada ang mga residente mula sa mga sakit na dulot ng ulan o maruruming tubig-baha tulad ng paalaala ng Department of Health (DOH) upang maiwasan ang sakit na leptospirosis, alipu-nga at galis.

Umapela rin si Erap sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak  at huwag hayaang lumangoy sa mga tubig-baha upang makaiwas sa anumang makukuhang sakit. 

Nakipag-ugnayan na rin ang alkalde sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na lagyan ng mga warning sign ang kanilang mga hukay upang agad na maiwasan ng mga motorista at hindi maaksidente. Ang mga hukay aniya ay isa sa mga sanhi ng aksidente dahil na rin sa kawalan ng mga babala.

JOSEPH “ERAP” ESTRADA

MANILENYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with