^

Metro

Mag-ina kalaboso sa ‘incest rape’ ng 12-anyos

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina kalaboso sa  ‘incest rape’ ng 12-anyos
Ang mag-ina na dinakip ng mga tauhan ng NBI kaugnay sa kasong ‘incest rape’ sa 12-anyos na nene na anak at apo ng mga suspect.
(Kuha ni Miguel De Guzman)

MANILA, Philippines — Arestado ang ama at lola ng 12-anyos na nene na paulit-ulit na ginaha­sa sa kani-lang tahanan habang nasa ibayong dagat ang ina na isang overseas Filipino Worker (OFW), iniulat kahapon.

Iprinisinta sa media kahapon ng National Bureau of Investigation Assistant Regional Director Atty. Vicente De Guzman ang mag-inang  suspek na ‘di ibinunyag ang pangalan dahil na rin sa proteksiyon ng mismong biktima na 12-anyos.

Nabatid na hinuli ang mga suspek dahil sa rekla-mong isinampa ng tumayong guardian na pinagbilinan ng ina ng biktima na kasaluku-yang OFW sa Oman, Jordan.

Noong Mayo 20, 2018, nang matuklasan ng inang OFW, habang nagbabakas-yon sa Pilipinas, ang sinapit na pagiging sex slave sa sariling ama ng anak na simula pa umano noong Enero 1, 2017 hanggang nitong nakalipas    na Marso 14, 2018.

Ang pangyayari ay sinabi rin ng biktima sa kaniyang lola at tiyahin (ina at kapatid ng ama). Gayunman, sa halip na isulong ang pagsasampa ng kasong rape, sinuhulan pa umano ng lola ang doktor na baguhin ang resulta ng pagsusuri upang pagtakpan ang suspek subalit hindi pumayag ang doktor.

Nitong Mayo 30, 2018, nag­pasiya ang ina ng bikti­ma na isuplong sa NBI ang kaga­na-pan para mabigyan ng hus­tisya ang anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa tumayong guardian para  sa pormal na reklamo.

Nakakuha naman ng record ang NBI na ang suspek at kaniyang ina mismo ay mga standing warrants of arrest na ginamit para sila ay madakip.

Nakatakdang ipagharap ng kasong paglabag sa Article 335 (Statutory Rape) ng Revised Penal Code (as amended by Republic Act 7659 imposing Death Penalty) dahil sa menor-de-edad ang biktima habang ang kasong RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse , Exploitation and Discrimination Act) ay ihahain laban sa lola na nakapiit sa NBI detention faci-lity  at sa tiyahin na nakalalaya pa.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OVERSEAS FILIPINO WORKER

VICENTE DE GUZMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with