^

Metro

Bebot, timbog sa ‘pagdekwat’ ng cellphone ng pulis

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babae na sumalisi sa bahay ng isang pulis at tumangay ng kanyang cellular phone, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nadakip na si Mary Grace Camuyag, 22, dalaga, walang trabaho at naninirahan sa Evelyn St., Brgy. 177 ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, sinabi ng biktimang si PO1 Jaypee Taguinod, nakatalaga sa Manila Police District na iniwan niyang nakakandado ang kanyang bahay sa may Mariano St., Brgy. 33 Maypajo, ng naturang lungsod.

Nang bumalik siya bandang alas-7 ng gabi, inabutan niya na wasak na ang padlock ng pinto ng kanyang tinutuluyan at nawawala ang kanyang IPhone 6 na nagkakahalaga ng P7,000.

Sa kanyang pagtatanong, lumapit ang saksi na si alyas June at kinilala si Camuyag na siyang nanloob sa tinutuluyan ng pulis. Agad na hu­mingi ng tulong si Taguinod kina PO1 Errol Taguba at PO1 Ernesto Sembrano, kapwa nakatalaga sa Maypajo Police Unit na siyang tumukoy sa pinagtataguan ng suspek at nagresulta sa pagkakadakip ng babaeng kawatan.

Nakaditine ngayon ang suspek sa Caloocan City Detention Center at nahaharap sa kasong Robbery.

CELLULAR PHONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with