^

Metro

Holdaper na nanloob sa isang laundry shop, huli

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Swak sa kalaboso ang isang holdaper na nanloob sa isang laundry shop at tumangay sa baril ng isang security guard makaraang maispatan ng mga otoridad na naghihintay ng mahoholdap sa Pasay City, kamakalawa ng madaling araw.

Humihimas na ngayon sa rehas ang naarestong si Phillip Andrew Capio, 27-anyos, residente ng No. 143 A.B. Balagtas St., Brgy. 179 Malate, Maynila. Narekober sa kanya ang isang kalibre .38 baril na may apat na bala na service arm ng security guard na si Nelson Laguna.

Sa ulat ng pulisya, mag-isang nilooban ni Capio ang Labarya Laundry Shop sa may Suerte St., Brgy. 20 Pasay City noong Mayo 14. Bukod sa kita ng establisyimento, inagaw din ng suspek ang baril ng sekyu na si Laguna.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Pasay City Police Station Investigation Division sa pangu-nguna ni P/Sr. Insp. Willy Sangel dakong ala-1:15 ng mada-ling araw sa may FB Harrison St. kasama si Laguna nang maispatan si Capio na nakaistambay sa lugar.

Pasimpleng nilapitan ng mga operatiba ang suspek ngunit nakahalata ito dahilan para tumakbo. Dito nagkaroon ng habulan hanggang sa makorner ito ng mga otoridad.

Nadiskubre sa loob ng dala nitong sling bag ang baril na inagaw niya kay Laguna na ginagamit na ng suspek sa kanyang panghoholdap.

Nakaditine ngayon ang suspek sa Pasay City Detention Center habang nahaharap sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunitions at Robbery.

vuukle comment

HOLDAPER

LAUNDRY SHOP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with