^

Metro

Binata, tinadtad ng saksak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang binata ang nasawi matapos na tadtarin ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang di-kilalang lalaki sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Jomar Gaston Tugad, 27, ng  Adama Ext., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Si Tugad ay namatay noon din sanhi ng  tinamong 18 mala­lalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rhic Roldan L. Pittong, nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-4:20 ng madaling araw sa Sto. Rosario St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Hinala ng pulisya, malaki ang atraso ng biktima sa suspek na posibleng nakaalitan nito dahil sa grabeng tinamong mga saksak sa katawan, at sinigurong patay bago ini­wanan sa lugar.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng masusing imbestigas-yon ang pulisya para matukoy at makilala ang suspek at maaresto ito at mabatid ang motibo ng krimen.

vuukle comment

MAN STABBED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with