^

Metro

Bebot bulagta sa rider

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang babae nang pagbabarilin ito habang nagte-text ng hindi kilalang rider kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nasawi habang ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) sanhi ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktimang si Carol Briones, 42, residente ng Orion St.,  Bgy. 67, Zone 8, ng nabanggit na lungsod.

Sa report na natanggap ng hepe ng Pasay City Police na si Police Sr. Supt. Noel Flores, naganap ang insidente alas-8:45 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Arnaiz at Orion Sts., ng naturang barangay.

Kasalukuyan umanong nagte-text ang biktima nang biglang dumating ang isang motorsiklo na hindi naplakahan sakay ang isang lalaki.

Walang salitang pinagbabaril ang biktima at pagkata-  pos ay mabilis na tumakas ang naturang gunman.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pamamaslang habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

vuukle comment

NASAWI

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with