^

Metro

Problema sa droga tutukan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Problema sa droga tutukan
Ito ang binigyan diin ni Manila Mayor Joseph Estrada matapos ang kanyang pagboto kahapon sa P. Burgos Ele­mentary School sa Sta. Mesa Maynila.
Miguel de Guzman

Erap sa mga bagong halal na brgy., SK officials

MANILA, Philippines — Kailangan na  tutukan ng mga bagong halal na barangay at Sangguniang Kabataan  officials ang problema sa droga sa lungsod ng Maynila. 

Ito ang binigyan diin ni Manila Mayor Joseph Estrada matapos ang kanyang pagboto kahapon sa P. Burgos Ele­mentary School sa Sta. Mesa Maynila.

Ayon kay Estrada, target niyang maging drug free ang Maynila bago matapos ang 2021. 

Aniya may isa pa siyang termino  upang kumandidato bilang alkalde ng lungsod.

Paliwanag ni Estrada ang mga barangay chairman  at  iba pang opisyal ang nakakakilala sa kani-kanilang mga cons­tituents kaya’t alam ng mga ito kung sino ang mga sangkot sa droga.

Ngayon aniyang naghalalan ng barangay level, mas makabubuting  tutukan ng mga bagong halal na barangay officials ang droga na malaking problema  na sinusugpo ngayon ng administrasyong Duterte.

Hindi rin naman siya magdadalawang isip na kasuhan ang mga opisyal na magpapabaya at magkukunsinti sa mga sangkot sa droga.

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN

JOSEPH ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with