^

Metro

Presyo ng bulaklak tumaas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Mother’s Day bukas

MANILA, Philippines — Mas lalo pang tumaas ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, isang araw bago ang paggunita ng Mother’s Day bukas.

Mabibili na ang isang bouquet ng nakaayos na mga bulaklak ng P500 mula sa dating presyo nito na P350 hanggang P400.

Ayon sa mga nagtitinda, maaari pang umabot sa P700 hanggang P800 ang presyo ng isang “bouquet” ngayon kung kailan inaasahang mas marami ang mamimili.

Kadalasang sinasamantala ng mga  nagtitinda ang  pagdagsa ng mga mamimili kaya’t tinotodo na ang presyo ng  bulaklak.Posible naman anilang sa linggo ng tanghali hanggang hapon ay muling bumaba ang presyo ng mga bulaklak.    

vuukle comment

BULAKLAK

MOTHER’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with