^

Metro

Welder sa barko, nabagsakan ng crane pisak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pisak ang isang welder makaraang mabagsakan ng bahagi ng isang crane sa ibabaw ng isang barge na nakadaong sa shipyard sa Navotas City, kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Navotas City General Hospital ang biktimang si Bienvenido Cavalida, 47, tauhan ng David Shipyard at naninirahan sa Oliveros St., Brgy. Tangos, ng naturang lungsod.  Sumuko naman sa pulisya ang crane operator na si Jose Rucio, 62.

Sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:35 ng umaga sa loob ng David Shipyard sa may Buenaventura Street, Brgy. Tangos. Ino-operate ni Rucio ang isang Lattice Crane Crawler type sa ibabaw ng isang barge nang bigla itong magloko.

 Dahil dito, nalaglag ang lattice boom sa barge at nabagsakan si Cavalida na may wini-welding sa lugar.  Sinaklolohan ng mga kasamahan ang biktima at isinugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.

Inaalam kung may naganap na kapabayaan kaugnay sa kaligtasan ng mga empleyado ang pamunuan ng shipyard.

vuukle comment

CRANE

WELDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with