^

Metro

2 airport police huli sa kotong

Joy Cantos, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng airport police ang inaresto ng pinagsanib na elemento ng Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force (CITF) at PNP-Intelligence Group (PNP-IG)  matapos na ireklamo ng pangongotong ng grupo ng mga driver na pumi-pick up ng mga pa­sa­­hero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasa-koteng suspect na sina Airport Police 1 (APO1)  Pabloc Atayde Jr., at APO1 Danilo Levite Jr.

Ayon kay Chief Inspector Jewel Nicanor, spokesman ng PNP-CITF, dakong alas-9:30 ng gabi ng masakote ang dalawa habang tumatanggap ng marked money sa poseur driver ng CITF.

Hindi na nakapalag ang dalawa matapos na mahuli sa akto ng mga nakaposteng operatiba ng PNP-CITF at Intelligence Group.

Bago ang operasyon ay isinailalim sa masusing surveillance operations ang mga suspek matapos na makatanggap ng reklamo ang PNP-CITF hinggil sa pangongotong o panghihi- ngi ng lagay ng dalawang airport police sa mga taxi drivers na nami-mickup ng mga pasahero sa NAIA terminal 2.

Sinabi ni Nicanor na sinampahan na ng kasong robbery extortion ang mga nasakoteng airport person­nels na ini-inquest sa tanggapan ni Pasay City Assis­tant  Prosecutor Rina Alcantara ang mga suspect.

 Isinailalim na sa kustodya ng PNP-CITF ang mga nasakoteng kotongerong airport police kaugnay ng kasong kinakaharap ng mga ito. 

Samantala, sinabi naman ni MIAA general mana­ger Ed Monreal, ang ginawang paghuli sa dalawang Airport Police Officers na sina Levite Jr. at Atayde, ay indikasyon ng gobyerno na linisin sa katiwalian ang mga umaabusong mga kawani ng pamahalaan.

COUNTER INTELLIGENCE TASK FORCE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with