^

Metro

Higit 1,000 vendors sa Baclaran, ililipat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakda nang ilipat ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque ang higit sa isang libong vendors na nasa paligid ng Baclaran Church sa itinatag na ‘temporary staging area’ sa bakanteng lupa sa may Roxas Boulevard.

Sinabi kahapon ni Para­ñaque City Mayor Edwin Oli­varez na maisasagawa na ang paglilipat sa mga vendors makaraang makapagpagawa na ng halos 824 tiangge stalls sa isang ektar-yang lupain na pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan.

May sukat ang bawat stall ng 1.5 X 2 meters na hindi pa­uupahan ng Pamahalaang Lungsod hanggang hindi pa natatapos ang apat na palapag na People’s Market buil-ding sa tapat ng LRT 1 Station.

Hinikayat ng alkalde ang mga vendors na samantalahin ang alok na ito dahil sa walang babayaran umano kahit isang kusing sa city hall o sa barangay hall ang mga sinuman na boluntaryong lilipat sa ‘staging area’.

Tinataya namang mata-tapos sa kalagitnaan ng taong ito ang People’s Market na maniningil naman ng mababang P3,500 kada buwan sa mga puwestong iparerenta sa mga vendors.

Mag-uumpisa muli ng masigasig na panghuhuli ang MMDA sa mga vendors na hindi lilipat sa staging area sa darating na Miyerkules.

BACLARAN CHURCH

VENDORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with