^

Metro

2 obrero dedo sa baho sa loob ng manhole

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 obrero dedo sa baho sa loob ng manhole

MANILA, Philippines — Todas ang dalawang obre­ro makaraang lumusong sa isang manhole upang magtanggal ng tubig at sinasabing na-suffocate dahil sa mabahong amoy sa loob ng naturang imburnal sa Marikina City, kahapon ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Roger Quesada, hepe ng Marikina City Police, ang mga nasawi na sina William Barindino at Eduardo Santos, kapwa nasa hustong gulang na trabahador ng FF Cruz  company.

Ayon kay Quesada, dakong alas-10:30 ng umaga ay lumusong sa manhole na matatagpuan sa Barangay Malanday, ang mga biktima upang magbaba ng water pump, na gagamitin sana nila sa pagtatanggal ng tubig.

Gayunman, hindi na nakalabas pa ang mga ito ng buhay sa loob ng manhole.

Ayon kay Quesada, ti­nangka naman silang sagi-pin ng kanilang kasamahan sa trahabo ngunit hindi nito nakayanan ang amoy ng imburnal kaya’t nanghingi na lamang ng tulong sa mga awtoridad.

Dakong alas-2:15 ng hapon na nang marekober ng   mga awtoridad ang mga bangkay ng mga biktima

Sa ngayon ay nagsasa­­gawa pa ng masusing im­bestigasyon ang mga awto­ridad sa naganap na insi­dente upang matukoy kung may pagkukulang ba ang kompanyang pinapasukan ng mga biktima, na nag­resulta sa kanilang ka­matayan, matapos na pa­yagan ang mga ito na bu­maba sa manhole ng walang safety gears.

Paliwanag ni Quesada, talagang mabaho sa loob ng imburnal  dahil sa kulob ito ay marami pang ‘methane gas’ sa loob ng manhole na siyang sinasabing dahilan ng pagkamatay ng dalawang obrero.

vuukle comment

MANHOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with