^

Metro

2-araw na tigil-pasada muling ikinasa

Angie dela Cruz at Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nagkasa ng dalawang araw na tigil-pasada ang ilang transport group sa susunod na Linggo bilang pagtutol sa public utility vehicle (PUV) modernization program na planong ipatu-pad ng pamahalaan.

Kabilang sa mga makikiisa sa gagawing tigil-pa­sada ay ang militanteng grupong Kilusang Mayo Uno  (KMU) at  transport group na Pagkaka­isa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ka-sama ang iba pang  transport at commuters’ groups sa ilalim ng ‘No to Jeepney Phaseout Coalition’ ang dalawang araw na mas malawakan at malakihang nationwide transport strike sa October 16 at 17 ng ta­ong ito.

Sa ginanap na press conference kahapon sa QC, sinabi ni Piston National President Goerge San Ma-teo na ang transport holiday ay layuning hingin kay Pangu­long Rodrigo Duterte na ibasura ang ipinatutupad na  PUJ Phaseout program ng DOTr at LTFRB na unti-unting pumapatay sa may mahigit 600,000 PUJ drivers at operators sa buong bansa.

“Duterte has not only rejected our demand to junk the previous Aquino admi-nistration’s PUJ phaseout program, he is now even rushing its implementation to complete the monopoly take-over of our livelihood by his big business cronies and foreign auto industry giants,” dagdag ni  San Mateo.

Sinasabing ang PUJ   phase­out program ay ipa­tu­tupad ng pamahalaan simula sa Enero ng 2018 sa pama-magitan ng  Depart­ment of Transportation’s Omnibus Franchising Guide­lines na nag-uutos sa mga PUJ drivers    at opera­tors na bumili ng ‘brand new’ PUJ units na may halagang mahigit P1.6 mil­yon ang isa at ipapasada sa ilalim ng ‘fleet management’ scheme ng malala-king transport companies, habang ang pasahe dito ay kokolekta­hin sa pamama­gitan ng “Beep card” automated col­lection system na pagma­may-ari at inooperate ng kompanyang may mono­poly control sa MRT at LRT. 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with