^

Metro

Tulong ng Interpol, hihilingin ng PNP

Ludy Bermudo at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Sa pagtugis sa pumugang hazing suspect

MANILA, Philippines — Tiniyak ni  Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel na makikipag-ugnayan na sila sa International Police kasunod ng ulat ng Bureau of Immigration na kumpirma­dong nakalabas ng bansa ang isa sa pangunahing suspek na si Ralph Trangia.

Hihilingin din ng MPD sa Department of Foreign Affairs (DFA)  na kanselahin ang pasaporte ni Trangia.

Sa naging pahayag naman ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, sinabi niya na mapapabilis  ang pagpapadeport kay Trangia  sa oras na siya ay matunton ng Interpol dahil lalabas na siya ay undocumented alien.

Si Trangia, batay sa re­kord ng Bureau of Immigra­tion, ay nakaalis sa bansa nitong Setyembre 19, 2017, isang araw bago makapagpalabas ng Immigration Lookout Bulletin ang Department of Justice (DOJ)  laban sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity na suspek sa pagpatay kay Castillo.

Samantala, nanawagan naman si Dela Rosa sa mga miyembro ng Aegis Juris na sumuko na lamang at harapin ang problema.

Naniniwala si Dela Rosa na hindi naman masasamang tao ang mga sangkot sa hazing kay Castillo dahil sila ay mga estudyante ng abogasya.

Samantala, isang security guard ng Chinese General Hospital (CGH) ang nagpatibay pa ng impormasyon kaugnay sa mga taong nagdala sa ospital sa bangkay ng UST law student na si Horacio Castillo III noong Linggo (Setyembre 17) ng umaga.

Kahapon nang magbi-gay ng kaniyang salaysay sa Manila Police District-Homicide Section ang sekyu na itinago sa pangalang Philip na nagsabing isang lalaking sakay ng motorsiklo at isang lalaking ‘daddy-loo-king’ ang bumaba mula sa driver’s seat ng Mitsubishi Strada alas-9:00 ng umaga na naghatid sa emergency room sa biktima.

Dahil sa ipinakitang litrato ni John Paul Solano ay positibo niyang nakilala ito na sakay ng sinasabi niyang motorsiklo.

Samantala, sinabi naman ni Manila Police District Director, Chief Supt. Joel Coro­nel na hawak na nila ang footages na kuha sa closed circuit television (CCTV)  ng CGH at sa pamamagitan nito ay natukoy nila ang oras at petsa at pagdating ng mga suspek na nagdala kay Castillo, pati na ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Kasalukuyan na rin uma­nong pinag-aaralan ng MPD ang mga footages na kuha ng 348 na CCTV ng University of Sto. Tomas para matukoy kung sinu-sino pa ang nakitang kasama ni Castillo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with