^

Metro

Parak sugatan sa drug operation

Ludy Ber­mudo - Pilipino Star Ngayon
Parak sugatan sa drug operation

Nagtamo ng tama ng bala sa hita si PO3 Salvador Agaman, miyembro ng Drug Enforcement Team ng Caloocan City Police Station-Police Community Precinct 5. File

MANILA, Philippines - Isang pulis ng Caloocan City Police ang sugatan sa engkuwentro nang mabaril ng tinutugis na drug perso­na­lity sa North Caloocan, ka­hapon ng hapon.

Nagtamo ng tama ng bala sa hita si PO3 Salvador Agaman, miyembro ng Drug Enforcement Team ng Caloocan City Police Station-Police Community Precinct (CCPS-PCP) 5.

Sa inisyal na ulat ng Tactical Operations Center (TOC) ng Caloocan Police, habang isinasagawa ang anti-drug operation ng DET ng PCP 5 sa Durian St. Brgy. 178, ay bigla na lamang pinaputukan ang mga ope­ratiba ng isang alyas “Dagul”, na isa umano sa target na maaresto.

Nakipagputukan ang mga pulis subalit si PO3 Agama ang minalas na ta­ma­an sa hita.

Mabilis na naglaho si Da­gul sa gitna ng putukan matapos umanong lu­musong sa imburnal sa Durian St., na patuloy pang tinutugis habang isinusulat ang balitang ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with