^

Metro

ATM hacker na Bulgarian, itinumba ng tandem

Joy Cantos at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
ATM hacker na Bulgarian, itinumba ng tandem

Sabog ang bungo ng isang dayuhang Bulgarian na sangkot sa serye ng ATM fraud matapos ambusin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Kalayaan Avenue sa panulukan ng Kamias Street, Quezon City nitong Huwebes ng gabi. File

MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng isang dayuhang Bulgarian na sangkot sa serye ng ATM fraud matapos ambusin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Kalayaan Avenue sa panulukan ng Kamias Street, Quezon City nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Orlin Grozda-nov  Stoev, 38, residente ng Unit 1003 Willshire, Annapolis, Greenhills, San Juan City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Criminal In-­ves­­tigation and Detection Unit (CIDU) Chief P/Supt. Rodel Marcelo, naganap ang insidente sa Kalayaan Avenue sa panulukan ng Kamias Street ng lungsod bandang alas-10:20 ng gabi.

Sinabi ng opisyal na ang suspect ay una nang nasakote sa ATM fraud o ang paglalagay ng skimming device para magnakaw ng pera sa ATM machine sa operasyon sa Quezon City noong nakalipas na buwan pero nakalaya matapos na magpiyan-sa ng P 20,000.

Nabatid na nagtungo ang suspect sa QCPD Station 11 at kinuha ang kaniyang motorsiklo na inimpound sa nasabing himpilan.

Sa pahayag ng isang saksi sinundan umano ng motorcycle riding in tandem ang nasabing dayuhan  na minama-neho ang kaniyang Honda motorcycle na for registration ang plaka.

Gayunman, pagsapit sa lugar ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga salarin na kapwa nakasuot ng bonnet at magkaangkas sa  kulay dilaw na Yamaha Mio na hindi nakuha ang plaka.

Sunud-sunod na pu­tok ang umalingaw-ngaw sa lugar kung saan pinapuruhan ng mga armadong salarin sa ulo ang biktima.

Matapos na papu-tukan ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect patu­ngo sa direksyon ng Kamias Road.

Narekober naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang dalawang cartridge at mga basyo ng bala ng hindi pa natukoy na uri ng armas.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with