^

Metro

Malacañang, Islamic Center sa Maynila, todo bantay

Ludy Bermudo at Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpakalat na rin ng dagdag na kapulisan ang Manila Police District (MPD) para mas paigtingin pa ang pagbabantay sa Malakanyang, islamic areas at mga government installations sa lungsod para matiyak ang seguridad ng mga mamamayan kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 60-araw na Martial Law sa buong rehiyon ng Mindanao.

Sinabi kahapon ni MPD director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, kung dati ay mahigpit na rin ang seguridad sa lungsod partikular sa paligid ng Malakanyang at ang pagtutok sa Quiapo area dahil sa mga naganap na pagsabog noong Abril 28 at Mayo 5, nagpakalat sila ng karagdagang pwersa para mas mabantayan ang paligid.

Kabilang na dito ang inilatag na mga checkpoint, 24/7 foot at mobile patrols at pakikipag-ugnayan sa Presidential Security Group (PSG).

“We are on full alert to prevent the incident from Marawi City to spill over in Metro Manila. Baka magkaroon ng mga diversionary actions so we have to prepare for it,” ani Coronel.

 Kinumpirma ni MPD Public Information Office (PIO) chief, Supt, Erwin Margarejo na naka-full alert ang MPD at may 452 pulis ang ikinalat.

Kasama na din sa inilatag na seguridad ang pagbabantay sa pagdaraos ng Ramadan na magsisimula na sa Sabado, Mayo 27, at nagdagdag pa rin ang MPD ng 300 pa para sa seguridad ng buong lungsod, na kasabay naman ng pagbibigay din ng seguridad sa mga pamilihan, mga eskwelahan na dinadagsa ngayon dahil sa papalapit na pasukan.

“Hinihintay pa naming ang augmentation force para mas madagdagan pa ang pwersa na magmomonitor sa Maynila kasi nasabay din naman sa pagdami ng mga tao sa mga mall at eskwelahan kasi pasukan kaya kailangan pa ng karagdagang idedeploy, na inaasahan naming darating dito sa MPD,”ani Margarejo.

May nakatalaga ring anti-riot policemen sa US Embassy sa Roxas Boulevard at sa Supreme Court sa Ermita dahil hindi naman aniya, nawawala ang mga kilos-protesta.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with