^

Metro

Binatilyo binutasan ng bala ang ulo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang barilin sa ulo ng isang lalaki sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, nakilala ang nasawi na si John Jay Valera ng  Veterans Village sa naturang barangay.

Mabilis namang tumakas ang  suspek na nakasuot ng bull cap makaraang isagawa ang krimen.

Base sa pagsisiyasat ni PO3 Virgilio Mendoza, may hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa harap ng isang pharmacy na mata-tagpuan sa kahabaan ng Luzon Avenue, kanto ng Mc Arthur St.,  Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo, dakong alas-10 ng gabi.

Bago ang insidente, base sa pahayag ng tricycle driver na si Christian Sarigumba, kasalukuyan siyang naghihintay ng pasahero malapit sa nasabing lugar nang makarinig siya ng putok ng baril mula dito.

Nang kanyang beripikahin ang pinagmulan ng putok ay doon niya nakita ang walang buhay at du-guang katawan ng biktima na nakahandusay sa lugar habang ang salarin ay nakitang mabilis na tumatakbo palayo.

Agad na ipinagbigay alam ng saksi ang insidente sa barangay official ng Pasong Tamo na siya namang tumawag ng awtoridad para sa pagsisiyasat.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang ulo na siyang agad na ikinamatay nito.

Patuloy ang imbestigas-yon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

BINATILYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with