^

Metro

Hapones nagbigti sa hotel

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay na nang matag-pu­an ang isang Hapones ma­tapos itong magbigti sa isang hotel sa Pasay City, kamakalawa.

Sa pamamagitan ng photo copy ng kanyang pass- port nakilala ang  dayuhang  si Takeshi Nakade, 46, taga Namayashi, Japan, nakala­gak ang bangkay nito sa Rizal Funeral Homes upang isailalim sa autopsy.

Sa pagisiyasat ni Pasay City Police investigator SPO4 Allan Valdez, nabatid na noong Lunes (Abril 17), ala-1:47 ng hapon nang mag-check-in si  Nakade sa  Room 320 ng isang hotel na matatagpuan sa EDSA-Harrison St., ng naturang lungsod.

Bandang alas-11:53 ng gabi ay umorder pa ito ng pagkain at dahil 24 oras ang kanyang kinuhang kuwarto bandang ala-1:00  kamakalawa ng hapon ay tinawagan ni Rosaline Callada, duty front desk officer ng hotel ang biktima para ipaalam na tapos na ang oras ng check-in nito.

Ngunit makailang beses na tinatawagan sa telepono  ang dayuhan ay hindi ito sumasagot.

Dahil dito minabuting puntahan na ang kuwarto ng dayuhan at sinubukan nilang katukin, subalit hindi pa rin ito sumasagot.

Kung kaya’t napilitan nang  humingi ng responde ang pamunuan ng hotel sa mga pulis  at dito natuklasan na nagbigti ang naturang dayuhan.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang isang papel na may nakasulat na mga pangalan ng kaanak ng dayuhan na pinatatawagan nito (sa salitang Hapon ) at iba pang personal na  gamit nito.

Samantala agad naman ipinagbigay alam ng mga awtoridad sa Japanese Embassy ang nasabing insidente.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

ALLAN VALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with