^

Metro

Police Colonel positibo sa confirmatory drug test

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Swak. Kumpirmadong nagdro-droga!

Ito ang lumitaw matapos na magposi-tibo sa confirmatory drug test si Supt. Lito Cabamongan, ang opisyal na naaktuhan na nagsa-shabu sa Las Piñas City  kama­kailan.

“Supt. Cabamongan showed positive result for shabu during confirmatory drug test  but negative for marijuana’’, ani  PNP Crime Laboratory Office Director P/Chief Supt. Aurelio Trampe.

Una nang lumitaw na positibo sa inisyal na drug test na isinagawa ng PNP Crime Laboratory si Cabamongan habang sa resulta ng neuro-psychiatric test na ipinalabas kamakalawa ay nabatid na may psychosis  o mental disorder ito o nabubuwang na   uma­no dahilan sa drug abuse.

Si Cabamongan ay ang nasibak na hepe ng Alabang Satellite Office Crime Laboratory Service dahilan sa panggugulo sa sinehan ng isang mall may ilang linggo na ang nakalilipas ng hindi ito payagang makapanood ng sine ng libre.

Si Cabamongan ang pinakamataas na opisyal na nag-positibo sa paggamit ng illegal na droga. Nahuli ito sa pot session sa Las Piñas City kasama  ang sibilyang si Nedy Sabdao na positibo rin sa paggamit ng shabu.

Samantalang, bukod dito ay may kinakaharap ring kaso ng sexual harassment  si Cabamongan.

Ayon kay Trampe, isusumite na nila sa PNP-Internal Affairs Service ang resulta ng confirmatory drug test at neuro-psychiatric test  laban kay Cabamongan para maum-pisahan na ang pagsasalang dito sa summa­ry dismissal proceedings.

LITO CABAMONGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with