^

Metro

Holdaper bulagta sa shootout

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang hol­daper na riding-in-tandem habang  nakatakas naman ang kasama nito matapos na makipagbarilan sa mga pulis, kahapon ng madaling- araw sa Caloocan City.

Habang sinusulat ang balitang ito ay ina­alam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa nasawing suspect, na nagta­mo  ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Police Senior Insp. Allan Apa, ng  Caloocan  City Police Community Precinct (PCP) 5, bago ang engkwentro, alas-3:00 kahapon ng madaling araw, hinoldap ng mga suspect sina Rushell Bradisina, 41 at Anastacia Ilo, habang nagla-la­kad ang mga ito sa kahabaan ng  Duran St.,  Brgy. 178 Camarin ng naturang siyudad.

 Matapos matanggap ang alarm report hinggil sa insidente, hinarangan ng may 10 pulis ang kahabaan ng Doña Aurora Road at dito nga ay namataan nila ang mga suspect ng magkaangkas sa isang motorsiklong walang plaka.

Sinita ng mga pulis ang mga suspect, subalit sa halip na tumigil ay tinangkan silang barilin ng mga ito. Napilitan namang gumanti ng putok ang mga pulis na na-ging dahilan ng agarang kamatayan ng isa sa mga ito.

Nakuhanan ng shabu ang napatay na suspect  at narekober din dito ang mga gamit na natangay nito mula sa kanilang naging biktima.

vuukle comment

ALLAN APA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with