^

Metro

Transport group na hindi sumama sa tigil-pasada pinarangalan ng DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinarangalan kahapon  ng Department of Transportation (DOTr) ang mga transport group at mga kompanya ng bus na hindi lumahok sa dalawang magkasunod na tigil-pasada na isinagawa noong nakaraang buwan.

Idinaos ang pagbibigay parangal sa Camp Aguinal-do Grandstand and Parade Grounds, dakong alas-8:00 ng umaga kung saan, mahigit 30 bus operators at pitong transport groups ang pinasalamatan ni DOTr Sec. Arthur Tugade.

Maliban sa hindi pakikilahok sa tigil-pasada noong February 6 at 27, ay nagbigay din sila ng tulong sa pamamagitan ng pagpapahiram ng kanilang bus units para sa libreng sakay.

Kabilang sa pinarangalan ng DOTr ang  grupong ACTO, ALTODAP, FEJODAP, LTOP, PASANG MASDA, CODE-X at 1-UTAK.

Habang mahigit 30 bus operators din ang kinilala dahil sa pagpapahiram nila ng kanilang bus units para magamit sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasaherong naapektuhan ng transport strike.

Pinasalamatan din ni Tugade ang lahat ng ahensya ng gobyerno na tumulong para bigyan serbisyo ang publiko.

vuukle comment

TRANSPORT GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with