^

Metro

4 huli sa buy-bust

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City police ang apat na katao sa isinagawang buy-bust operation sa isang hinihinalang drug den sa Arayat St., Brgy. San Martin De Porres, Cubao, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Hindi na nakapalag pa nang arestuhin ang mga suspek na sina Mark Anthony Ignacio, Michael Ramos at magpinsang sina Luzviminda at Teresita Macoto.

Ayon kay Police Senior Inspector Ramon Aquiatan, ng Cubao Police Station Drug Enforcement Team isang linggo ring isinailalim sa surveillance ang naturang grupo ni Ignacio dahil sa ulat  na supplier ang mga ito ng ilegal na droga sa lugar.

Anya, naaktuhan kagabi ang mga suspek na nagre-re­pack ng shabu, habang gumagamit naman ang dalawang iba pa.

Nasamsam sa lugar ang ilang mga shabu paraphernalia at mahigit limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P100,000.

 

vuukle comment

MARK ANTHONY IGNACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with