^

Metro

Away sa sugal, nauwi sa barilan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nasa malubhang kala-    ga­­yan ngayon ang isang lalaki makaraang barilin sa sikmura ng kapwa niya  suga­rol dahil lamang sa away nila sa sugal, Linggo ng gabi sa Navotas City.

Nakaratay ngayon sa Tondo Medical Center ang biktimang si Nathaniel Aguilar, alyas Ranny, 33, security guard, at naninirahan sa B. Cruz Street, Brgy. Tangos, ng naturang lungsod.  Pinaghahanap naman ngayon ang suspek na nakilala lamang sa alyas Kenneth at isang hindi pa nakikilalang salarin.

Sa ulat, naglalakad mag-isa ang biktima dakong alas-11:15 ng gabi sa may B. Cruz Street, Brgy. Tangos, nang ha­rangin siya ng suspek at agad na barilin sa katawan.  Nagawa namang makatakbo ng biktima hanggang sa magkaroon ng habulan ngunit masuwerteng nakapasok si Aguilar sa kanyang bahay at makapagtago.

Isinugod naman siya ng mga kaanak sa pagamutan ng ma­tiyak na nakaalis na ang mga salarin at isinailalim sa operasyon.

Sa panayam sa biktima ng pulisya, sinabi niya na may sigalot umano sila ng suspek na si Kenneth dahil lamang sa sugal na dahilan para hantingin siya ng suspek.

 

vuukle comment

BARILAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with