Bebot inutas sa riles
MANILA, Philippines - Isang babae ang binaril at napatay ng hindi pa kilalang salarin sa tabi ng riles ng tren sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Inilarawan ang biktima na nasa 20-25-anyos, may taas na 5’1 talampakan, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay blue na jacket, pink na t-shirt, jersey shirt at tsinelas.
Sa ulat ni P/Supt. Alex Daniel, hepe ng Manila Police District-Station 7, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa Hermosa St., Tondo.
Limang basyo ng kalibre .45 at cellphone ang narekober sa crime scene.
Inaalam pa kung ano ang motibo sa pagpatay.
- Latest