^

Metro

Ama todas sa resbak na para sa anak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang 55-an-yos na tricycle driver na pinagbuntunan ng galit  ng suspek na reresbak sana sa kaniyang anak para ipaghiganti ang ama sa gitna ng kasiyahan ng Pista sa kanilang lugar, sa San Andres Bukid, May­nila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Modesto Espanol, residente ng  Onyx St., San Andres  Bukid  na nagtamo ng mga saksak  sa kaliwang dibdib.

Pinaghahanap na ang suspek na kinilala lamang sa alyas na Bombay, 20, nasa 5’5 ang taas, moreno, katamtaman ang laki ng katawan, at residente ng Phase 5, Onyx St., San Andres Bukid.

Sa ulat ni SPO4 Ronal­­­-do Gallo ng Manila Po­lice District-Homicide Section, naganap ang in­si­dente dakong alas-7:00 ng gabi sa Brgy. 775, Zone 84, District 5, Onyx St., malapit sa kanto ng Zobel Roxas St., San Andres,  Bukid.

Nag-ugat ang insidente nang makaaway ni Marlon Espanol, 32, anak ng nasawi ang isang alyas Alex Hapon, tatay ng suspect  na nanggugu­lo umano sa palaro sa kapistahan ng Holy Fami­ly.

Nakauwi na ang dala-wang nagsuntukan hanggang sa mabalitaan ng suspek na si Bombay na nakasuntukan ng kanyang ama si Marlon Espanol kaya sumugod ito sa bahay ng huli.

Sa halip na resbakan si Marlon, ang ama nito ang inabutan sa bahay na siyang niresbakan nito at walang sabi-sabing sinaksak ng ilang ulit na naging dahilan ng kamatayan ng matandang Espanol. Mabilis naman tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen.

vuukle comment

TODAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with