^

Metro

2 utas sa drug ops

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawa katao kabilang ang isang babae na pinaniniwalaang sangkot sa ipinagbabawal na gamot sa magkahiwalay na pamamaril sa Navotas City.  kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang mga biktimang sina alyas Joan, 27, taga Brgy. San Jose, kilala umanong drug runner  at Samson Genova, alyas Ikoy, 35,  ng Roldan St., Brgy. Tangos, kapwa ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay  Senior Supt. Dante Novicio,  hepe ng Navotas City Police, alas-10:00 kahapon ng umaga nang makita ng mga saksi ang pitong katao na sakay ng kani-kanilang mga motorsiklo na pumasok sa loob ng Brgy. San Jose public cemetery bago nakarinig ang mga ito ng sunud-sunod na putok ng baril.

Pagkatapos ay  mabilis na tumakas ang mga suspect sa hindi matukoy na direksyon habang nadiskubre naman nina Brgy. Kagawad Boyet De Guia ang duguan at wala ng buhay na si Joan. Kamakailan ay sumuko si Joan  sa  ‘Oplan Tokhang’.

Ayon sa pulisya, naunang pinagbabaril ng hindi kilalang mga suspect  si  Genova sa kahabaan ng E.R Cruz St., Brgy Tangos  at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas sakay ng motorsiklong walang plaka.

Si Genova ay nasa drug watchlist dahil sangkot umano ito sa pagbebenta ng droga.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspect. Lordeth B. Bonilla

vuukle comment

UTAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with