^

Metro

2 araw bago ang Traslacion: Islamic Center sa Quiapo, ginalugad

THE GAME OF MY LIFE - Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 araw bago ang Traslacion: Islamic Center sa Quiapo, ginalugad
Mahigit sa 80 katao ang dinala sa himpilan ng pulisya para sa beripikasyon matapos ang isinagawang ‘Oplan Galugad’ ng Manila Police sa Islamic Center sa Quiapo.
Joven Cagande

MANILA, Philippines – Dalawang araw bago ang isasagawang Traslacion ng Itim na Nazareno sa araw ng Lunes, nagsagawa ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ng ‘Oplan Galugad’ sa Islamic Center sa Quiapo, kahapon.

Mahigit sa 80  katao ang dinala sa MPD headquarters para sa beripikasyon at questioning.

Ayon kay Police Chief Inspector Jay Dimaandal, head ng MPD’s District Special Operations Unit, na ang nasabing operasyon ay bahagi na rin ng isinagawa nilang ‘Oplan Galugad’.

Hindi bababa sa 20 mga police mobile, open van, mga 6x6 truck lulan ang bata-batalyong mga pulis ang sumugod sa mga eskinita ng naturang residential area

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang nagbibigay ng kumpirmadong ulat hinggil sa nakuhang pampasabog at iligal na droga sa nasabing pagsalakay.

Nais ding alamin ng pulisya kung mayroong mga sangkot sa planong panggugulo sa Traslacion.

Hindi rin nagbibigay ng pahayag ang mga opisyal ng MPD sa kung anong ebidensiya na maaring iugnay sa pagpapasabog ang nakumpiska, na ayon sa kanila ay manalig na lamang sa mahigpit na seguridad na kanilang inilatag dahil tiniyak nilang walang makalulusot para isakatuparan ang banta ng terorismo.

Dalawa sa mga dinala sa pulisya ay dawit sa kaso ng droga na nakilalang sina Loren Datu-Haron, 49 at Amir Hussein, 17.

Karamihan naman sa mga nadala sa himpilan ng pulisya ay nagsabing hindi sila sangkot sa anumang criminal activity, at sila ay mga ordinaryo lamang na vendor sa Quiapo area.

TRASLACION NG ITIM NA NAZARENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with