10-anyos na bata, sugatan sa ligaw na bala
MANILA, Philippines – Nadagdagan ang bilang ng mga biktima ng ligaw na bala makaraang isang batang lalaki ang sugatan habang naghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Taguig City.
Nasa mabuti ng kalagayan habang naka-confine sa Rizal Medical Center ang biktimang si Gian Penacilla, 10, nakatira sa Palingon Tipas, Taguig City. Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Ayon report, naganap ang insidente noong Disyembre 31, 2016 (Sabado) alas-10:45 ng gabi sa Brgy. Palingon Tipas, Taguig City habang abala at naghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon ang pamilya Penacilla ng bigla na lamang duguang tumumba ang biktima dahilan upang dali-dali itong dalhin sa naturang ospital.
Dito nadiskubre na ang biktima ay tinamaan umano ng ligaw na bala mula sa hindi pa nakikilalang suspect. Nabatid na nasa stable na umanong kondisyon ang biktima at nagsasagawa na ng follow-up operation ang Taguig City Police ukol dito.
- Latest