^

Metro

Romanian kalaboso sa ATM modus

SAPOL - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang turistang Romanian ang kalaboso matapos makumpiska dito ang iba’t ibang credit at ATM cards nang tangkaing mag-withdraw sa isang ATM ng isang bangko sa Makati City, kahapon

Kinilala ni Senior Supt. Milo Pagtalunan, hepe ng Makati City Police ang dinakip na suspect na si Mustafa Ghiocan, 36, pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa Burgos St., Brgy. Poblacion ng nasabing lungsod.

Ayon sa pagsisiyasat ni SPO2 Alejandro Divalid, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police, alas-10:30 kaha­pon ng umaga nang madakip ng mga pulis at kinatawan ng banko ang suspect habang magwi-withdraw sana  sa isang  ATM machine ng banko sa Salcedo St., Legazpi Village, Brgy. San Lorenzo Village ng naturang lungsod. Kung saan nakumpiska dito ang 18 assorted cards.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998) sa Makati City Prosecutor’s Office ang naturang suspect at nakakulong ngayon sa detention cell ng Makati City Police. - Lordeth B. Bonilla

 

vuukle comment

ROMANIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with